Sabungero, Arestado sa Pekeng Pera

SWAK sa kulungan ang 46-anyos na delivery boy na inaresto matapos pumusta ng mahigit P9K sa sabong pero peke ang pera sa Bacoor City, Cavite Miyerkules ng hapon.

Kasong paglabag sa Art. 168 (Illegal Possession and use of false treasury or bank notes and other instruments of credits) ang kinaharap ng suspek na si Ricky Moises Reyes, tubong Sipalay, Negros Occidental at residente ng Kanluran Barangay Zapote 5, Bacoor City.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong ala-1:00 ng hapon kung saan tumaya umano sa sabong ang suspek ng labin-siyam na piraso ng P500 bills o kabuuan na P9,500 sa loob ng Talaba Cockpit Arena sa 81A Evangelista St., Talaba 1, Bacoor City.

Napansin ito ni Queen Lucino Ocampo, 33, cockpit supervisor, na nagresulta sa pagkaaresto sa suspek. GENE ADSUARA