SANDAMAKMAK na basura ang nahakot sa 27 sementeryo sa Kalakhang Maynila.
Batay sa report ng Metropolitan Manila Development Authority ay puno ang sampung truck ng mga hinakot na basura.
Nakuha ang mga basura na iniwanan ng mga bumisita sa iba’t ibang sementeryo sa Metro Manila na nagsimula noong Oktubre 26 hanggang nitong Nobyembre 2.
Sabi nga ng Metro Parkway Clearing Group ay nasa 33.83 metric tons ang mga basurang nahakot.
Bukod pa ang mga basurang nahakot ng mga lokal na pamahalaan sa sementeryong kanilang nasasakupan.