PATULOY ang panawagan hinggil sa pagtitipid sa paggamit ng tubig.
Ibinibigay ang mga tip o ilang pamamaraan kung paanong ang tubig ay titipirin.
Ang mga nagamit ng tubig ay maaaring may iba pang mapapaggamitan.
Sa pilosopong pananaw ng iba ay nagbabayad naman ng water bill kaya ang hangad nila ay gamitin ang tubig sa maalwang pamamaraan.
Kumbaga ay kumbinyenteng kumikilos gamit ang tubig na hindi na kailangan ng palanggana sa paghuhugas ng mga pinagkanan o lulutuing mga gulay at karne o isda gayundin ang baso para sa pagsisipilyo at iba pa.
Marunong din naman magtipid kahit sa ganoong pamamaraan dahil hindi naman basta lamang diretso ang tulo ng tubig sa gripo.
Bukod sa hinihinaan ay may pagkakataon na pinapatay ang gripo at hindi basta diretso lamang ang tulo ng tubig.
Sa kabila nito ay handa naman sa todong tipiran kung sadyang may limit ang oras sa paggamit.
Kaya nga lamang ay kaakibat ang mga katanungang hindi ba matutugunan ng mga kinauukulan ang suliraning ito.
Basta sila ay hindi naman maaksaya sa pagkonsumo bagkus ang hangad lamang ay satispaksiyon sa paggamit ng tubig.
Ang mayayaman tanong nila ay kung paano nagtitipid sa tubig?