ALAM kaya ni Kagalang Galang Rizal Governor Rebecca A. Ynares ang mga ginagawa ng isa sa 13 alkalde na kanyang nasasakupan? Na mayroong kayabangan at saksakan ng hangin sa katawan kabaligtaran ng kanyang pangalan na hinango sa Banal na Kasulatan?
Na kahit sabihing mayroon itong pinag-aralan, nakapag-lingkod sa ibang sangay ng gobyerno bago ito nahalal bilang alkalde ng bayan ay hindi nito alam ang isinasaad sa Article II, Section 6 ng 1987 Constitution ng Republika ng Pilipinas. Opo, kahit na po tunog ng tagapagpalaganap ng Mabuting Balita ang pangalan ni Mayor ay hindi nito alam at mali ang pagkaka-intindi nito sa “Separation of Church and State”? Sa municipal engineer at sa kanyang mga staff kasi nakikinig ang matalinong ito kaya ganyan.
Eto Mayor, pasensya ka na hindi na kita matawag na Kagalang Galang dahil hindi naman naaangkop pa na galangin kita, ang sinasabi na “Separation of Church and State” ay simple lang, the 1987 Constitution of the Philippines declares: The separation of Church and State shall be inviolable. (Article II, Section 6) and No law shall be made respecting an establishment of religion, or prohibiting the free exercise thereof. The free exercise and enjoyment of religious profession and worship, without discrimination or preference, shall forever be allowed. No religious test shall be required for the exercise of civil or political rights. (Article III, Section 5). Walang kinalaman diyan kung personal ka na magbibigay ng donasyon o hindi. Sabi ni Mayor, natatakot siya dahil baka masilip daw ng Commission on Audit (COA) kung magbibigay siya ng donasyon para sa Simbahan. Alam mo Mayor pwede mo naman sabihin na ang mga ipinantulong mo ay hindi galing sa kaban ng bayan, siyempre hindi rin galing sa sarili mong bulsa kundi sa mga ilegal na nandiyan sa paligid mo at sa loob ng iyong nasasakupan, imposible naman na hindi mo alam yan na merong mga ilegal na nagaganap sa iyong nasasakupan. First Class Municipality pa naman ito.
Ang tanong nga ng ilang mga taga Rizaleno, papaanong babangon ang isang munisipalidad sa Lalawigan ng Rizal kung ang mismong namumuno dito ay hanggang porma lamang, walang isang salita at sunod sunuran sa kanyang municipal engineer at sa kanyang staff? Oo nga pala, pangkaraniwan na sa mga opisyal ang peptok.
Teka muna, naalala nyo ba ung naganap na hazing sa Philippine Military Academy (PMA) na naging sanhi ng pagkamatay ng isang 20 taong gulang na PMA Cadet nuong ika-18 ng buwan ng Setyembre 2019 kaya nag-resign ang kasalukuyang PMA Superintendent nuong panahon na iyon. Kamakailan lamang ay nasangkot sa isang mauling incident ang isang security aide ni Municipal Mayor sa lalawigan ng Rizal na sana naman ay magkaroon ng hustisya.
Ang ating pagbati sa mga cavaliers na kabilang sa PMA Sinagtala Class of 1986 at sa mga Mistah sa PMA Matatag Class of 1971.