Seryosong pagpapatupad

ANG ikatatagumpay ng pagsasakatuparan ng motorcycle lane sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City ang maaaring magiging susi upang ito ay gagawin na rin sa iba pang pangunahing kalsada sa Kalakhang Maynila.

Nakikitaan ng posibilidad dahil sa nagtataglay na disiplina hindi lamang sa panig ng mga rider kundi maging sa iba pang tsuper.

Ang nasabing lane ay ekslusibo lamang para sa mga motorsiklo at may kaukulang multa sa lalabag.

Senayales na bunsod ng multang halagang P500 sa paglabag ay ang ikatatagumpay nito.

Maganda ang layunin para sa mga rider at may kaakibat ding benepisyo sa lahat ng driver sa pribado o pampubliko man.

Iyan ay mangyayari sa pamamagitan ng seryosong pagpapatupad ng mga kinauukulan kaagapay ng disiplina sa lahat ng nagmamaneho.