Seweldo Para sa Trabaho at Serbisyo na Makatao

NAGPUPURSIGI sa pag-aaral upang makatapos ng kurso at para makaakyat ng entablado sa pagtanggap ng diploma.

Ang pagsisikap sa pag-aaral ay nagbunga naman at bilang premyo ay ang pagkakaroon ng maayos na trabaho.

Kailangan ng trabaho upang mabuhay sa mundo para na rin sa pamilya bukod sa sarili.

Sa pagtatrabaho ay tinutumbusan ng suweldo.

Kaakibat ng pagtatrabaho ang pagkakaloob ng serbisyo sa tao.

Nararapat lamang na ang suweldong natatanggap sa trabaho ay dapat tumbasan ng makataong serbisyo.

Ano mang uri ng trabaho, naglilingkod man sa pribado o gobyerno ay ibigay ang serbisyo na mayroong puso.

Kahit sariling negosyo man ay ipagkaloob ang serbisyong makatao sa kliyente o kostumer.

Masakit na katotohanan na may ilan na hindi good service ang pagtatrabaho dala marahil sa pananaw na susuweldo din naman.

Bunga ng hindi maganda at maayos na serbisyo ay masama ang apekto at tao o parokyano ang napeperwisyo.

Iyon bang nasa ilang minuto o oras lamang ang transaksiyon ay umaabot ng halos kalahati o buong araw.

Ang masakit ay ang pababalik-balikin pa samantalang kung tututukan o seseryosohin ang trabaho mabilis naman pala sana.

Sakit kasi ng iba na kapag wala ang bossing ay ‘banjing-banjing’ o pa-easy-easy ang pagtatrabaho.

Kumabaga, wala ang ‘pusa’ kaya malaya ang ‘daga’ na walang iniilagan o kinatatakutan.

Masakit na katotohanan subalit maraming ganyan lalo na sa mga ahensiya ng gobyerno.