BUKOD sa media literacy ay iniaapela na rin sa Depatment of Education ang pagsama sa sex education na pagtuturo sa paaralan.
Batay ito sa panawagan ng pamunuan ng Alliance of Concerned Teachers-National Capital Region.
Isa sa mga pangunahing layunin ng grupo ay ang paggabay sa wastong landas para sa mga kabataan.
Pinuna ng grupo ang pag-aanunsuyo ng social media giant na X sa pagpayag ng adult contents sa media platform nila.
Sinasabing ang maagang paghantad sa mga naturang content ay may mga negatibong epekto sa mga kabataan.
Maaaring magdulot ng pagkawasak sa mentalidad, pag-aaral, at pakikisama o pakikihalubilo sa kapwa.
Posibleng isa rin ito sa mga dahilan ng paglobo ng bilang sa maagang pagbubuntis ng mga kabataang babae.