Si Governor Fernando at ang ‘highly urbanized city’ ng SJDM

Ang progreso ng Bulacan ay nasa kamay ni Gov. Daniel Fernando, ang ama ng lalawigan, katuwang ang local executives ng bawat siyudad.

Sa kanyang panunungkulan maraming positibong pagbabago ang nangyayari sa Bulacan para sa ikabubuti ng milyong residente na umaasa ng mas de kalidad na serbisyo mula sa lokal na pamahalaan.

Ang kasalakuyang itinatayong Manila International Airport ng San Miguel Corporation ay isang malaking estrelya sa pamumuno ng gobernador.

Ang pagdagsa ng mga negosyante sa bawat siyudad ng lalawigan ay patunay lang na may tiwala ang Bulakeños sa kakayahang mamuno ng gobernador.

Ngayon pa lang ay nagpapasalamat na ang San Joseños sa suportang ibinibigay ng kapitolyo upang maging ganap na ‘highly urbanized’ city ang San Jose Del Monte, isa sa premyadong siyudad sa buong lalawigan.

Siguradong mas maraming trabaho, kalidad na serbisyo at higit na mapapabuti ang buhay ng mga taga-San Jose del Monte City oras na maging Highly-Urbanized City ang pinakamalaking lungsod sa lalawigan ng Bulacan.

Makikinabang din ang karatig lalawigan ng SJDM kung ito ay magiging Highly Urbanized City na.

Ito na ang pagkakataon at tamang panahon na ibigay ang mas mainam at mahusay na serbisyo sa mga taga-San Joseno.

Oras na pumayag ang mga taga-San Jose para sa HUC, lalago ang ekonomiya at mabibigyan ng trabaho ang karamihan dahil maeengganyo na mamuhunan sa lungsod ng mga namumuhunan.

Bukod pa rito, mas malaking pondo ang makukuha ng lungsod mula sa pambansang pamahalaan upang maisaayos ang mga imprasturktura, edukason at iba pang serbisyong pang-komunidad.

Ayon kay San Jose Del Monte City Mayor Arthur Robes na kung maraming papasok na pondo sa lungsod, makakapagpagawa ng maayos na imprastruktura, madaragdagan ang mga namumuhunan, maraming mabibigyan ng trabaho pati sa katabing mga lalawigan at ciudad at makakaakit ng turismo.

Makakatulong din aniya ang pagiging HUC sa paglago at pag-unlad ng lungsod sa pamamagitan ng masusing pagpaplano at pamamahala.

Ang pagiging HUC ay magreresulta sa mas agarang pangangasiwa sa lokal na patakaran, regulasyon at paggawa ng desisyon.

Matatandaan na nuong Disyembre 2020, ipinroklama ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang lungsod ng San Jose del Monte, Bulacan bilang highly-urbanized city sa bisa ng Proclamation No. 1057.

Kailangan na lamang na bumoto ng YES ang mga taga-San Jose del Monte sa panlalawigang plebisito upang maging ganap na HUC.

Sa suporta ni Fernando at ng buong lalawigan ay walang duda na nakatakda nga na maging Highly Urbanized City ang San Jose Del Monte.