KASAMA sa katangian ng pagiging responsableng drayber ang tinatawag na presence of mind.
Hindi akmang sabihing mahusay dahil walang magaling sa pagmamaneho bagkus ang nababagay nga ay ang taglaying responsible driver.
Magbigay tayo ng isa sa mga halimbawa na kapag papaliko ay gumagamit ng signal light.
Ang signal light ang nagsisilbing babala sa ibang motorista lalo na ang kasunod upang malaman kung liliko pakanan o pakaliwa.
Problema nga lamang ay nakaliko na sa kanan o kaliwa subalit nakakalimot.
Iyan ang sinasabing responsibilidad ng tsuper na tanggalin na ang signal light kapag nakaliko na.
Magbibigay kasi ito ng kalituhan sa ibang motorista partikular na nga ang mga sumusunod na sasakyan dahil sa nakikitang signal light na puwedeng pagmumulan ng disgrasya.
Naalala ko ang isang dating kaibigan na madalas nakakalimot sa signal light.
Nakamotor siya na dahil sa hindi napatay o natanggal na signal light ay nabangga ng kapwa rider na kasunod.
May pagkakataon na nakakalimot sa signal light subalit kailangang talagang pairalin ang pagiging alerto sa panahon ng pagmamaneho.
Isa sa mga dapat tuunan ng pansin ang ilang pampasaherong bus na kalimitan ay mali ang gamit na signal light.
Sana ay isama sa isip ng bawat tsuper ang signal light.
Iyon lang po!