ULAN ang matinding kalaban ng mga nagmomotorsiklo at sa kasagsagan ng biyahe kapag inabot nito ay masisilungan ang hanap.
May mga pagkakataon na sadyang hindi inaasahan na minsan ay bigla ang pagbuhos ng ulan.
Ang makikita o madadaanang flyover o footbridge ay isa sa mga sinisilungan ng mga rider.
Mayroong hihinto upang magsuot lamang ng kapote habang ang iba ay sisilong hanggang sa tumigil ang buhos ng ulan.
Ang pagbabawal sa paghinto at pagsilong dito ay kinakailangan ng pang-unawa sa bawat rider.
Bukod sa idudulot na mabigat ng daloy sa trapiko ay ang nakaumang ng kapahamakan sa mga rider at maging sa mga sakay o angkas.