ANG mga aktibo sa Simbahang Romano Katoliko, mga naglilingkod sa Simbahan lalo na sa ilalim ng pangangasiwa ng mga Augustinians; Benedictines; Carmelites; Dominicans at Franciscans pamilyar na sila sa tawag na “Fray”; “Fra” o “Frater”. Pamilyar din dito ang mga nagsipag-aral sa Pontifical, Royal and Catholic University of Santo Tomas (UST); Colegio de San Juan de Letran; Angelicum College; Saint Tomas Aquinas University; Sienna College; Sta Catalina University; San Beda College; Saint Scholastica’s College at maraming iba pa. At karamihan sa mga eskwelahan na nabanggit ay mayroong “Fray”; “Fra” o “Frater” na kung hindi man nangangasiwa o nagtuturo ay nag-aaral.
Dahil sa impluwensya ng mga Kastila, ang mga miyembro ng mendicant Orders ay maaaring tawaging “Fray”; halimbawa, “Fray Juan de la Cruz, OSA”.
Kailangan din malaman ng lahat na bukod sa mga kastila ay mayroon ding mga mendicant Orders na ang mga misyonero ay mula naman sa Italya at pinili nilang tawagin sila bilang “Fra”, isang pagputol ng “Frater”, na isang salitang Latin para sa “Brother”. Samakatwid, ang mga salitang “Fray” o “Fra” o “Frater” ay iisa ang kahulugan, “Brother.” Sa Simbahang Romano Katoliko ang turingan ng mga miyembro ng mga mendicant Orders at maging ng iba pang tinatawag na Congregations na kabilang sa Institute of Consecrated Life at Societies of Apostolic Life ay magkakapatid, “we are Brothers” ika nga, walang diskriminasyon maging ikaw ay obispo, pari, diyakono o simpleng brother, lahat ay pantay pantay kanya kanya nga lang ng tungkuling ginagampanan sa Simbahan. Sabi nila mahirap daw ang mag-madre, mag-brother at lalot higit ang mag-pari, wala naman hindi mahirap sa mundong ibabaw pero kung ito ay bukal sa iyong puso at kalooban at i-aalay mo sa Diyos madali lang. Naalala ko ang sinasabi ng ilan sa mga nakausap ko na, “kahit ano gawin mo, kahit hadlangan ka pa ng lahat, kung talagang gusto ng Diyos na maging pari ka, Siya mismo ang gagawa ng paraan para maging pari ka!”
Sa mag nagnanais maglingkod sa Diyos bilang pari, brother o madre mangyaring makipag-ugnayan sa inyong lingkod sa telepono bilang 0945.147.0533 / 09287181677.