SONA 2023

TAUN TAON kahit sino ang nahalal na Pangulo ng Republika ng Pilipinas isinasagawa ang State of the Nation Address (SONA) bilang pag-uulat ng Pangulo sa totoo at tunay na kalagayan ng bansa.

At sa tuwing ganitong SONA hindi hindi na nawala ang mga kilos protesta sa Batasang Pambansa, sa mga karatig na lugar at sa ibat ibang panig ng Kalakhang Maynila. Ano ba ang mga ipinaglalaban ng mga grupong ito? Makatuwiran ba o sadyang papansin lamang ang mga ito?

Maaaring tama o makatuwiran ang mga usapin na kanilang inihahain pero sa totoo lang, mayroon namang tamang lugar, oras at panahon para pag usapan ang mga iyun, ika nga mayroong proper forum.

Pero wag po kayo mag-alala dahil nakahanda ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa ilalim ng pamamahala ni PBGEN JOSE MELENCIO CORPUZ NARTATEZ Jr ang bagong regional director upang tiyaking ligtas, payapa, at maayos ang ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na gaganapin nitong darating na Hulyo 24, 2023.

Ayon kay PBGEN NARTATEZ umaabot sa mahigit 17 libong pulis mula sa limang distrito ng kapulisan dito sa Kalakhang Maynila at mga tanggapan ng NCRPO ang naka-alerto at ipapakalat sa paligid ng House of Representatives sa mismong araw ng SONA ni Pangulong BBM.

Kasama ng NCRPO ang 4,460 na pulis buhat sa iba’t ibang mga Units tulad ng PNP Regional Support Units; Aviation Security Group; Special Action Force; AFP Joint Task Force NCR; Philippine Coast Guard; Bureau of Fire Protection; Bureau of Jail Management and Penology; Office of the Civil Defense; Metropolitan Manila Development Authority, at Philippine Red Cross.

Kaugnay nito, ay mananatiling suspendido ang lahat ng Permit to Carry Firearms Outside of Residence (PTCFOR) habang isinasagawa ang pangalawang (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasabay ng pagsasakatuparan ng “No Fly Zone/No Drone Zone” sa vicinity ng Batasang Pambansa sa Quezon City.

Mahigpit din ipatutupad ang maximum tolerance at pagsunod sa Police Operational Procedures, lalong-lalo na ang pagpapahalaga sa karapatang-pantao ng lahat ng makikilahok sa araw na ito.