‘Summer vacation class’

KASISIMULA pa lamang ng klase sa paaralan pero heto at patuloy ang mainit na usapin para sa summer vacation class ng mga mag-aaral.

Pinagdedebatehan kung nararapat na maibalik sa dati na Abril at Mayo ang bakasyon ng mga estudyante.

Ibig sabihin, kung mangyayari ito ay muling maibabalik sa Hunyo ang school opening.

Pero batay sa pagtataya ay posibleng aabutin pa sa limang taon bago ito maibabalik.

Ito ay dahil sa maraming bagay na pinag-uusapan at pinag-aaralan parikular ang isyu sa kalagayan ng panahon.

Kumbaga ay kung saan ba lalagay o nararapat?

Sa panahon ba ng tag-ulan o tag-init?

Batid naman natin na sa bawat paksa na pinagtatalunan ay magkahati ang pananaw.

Mayroong positibo at may negatibo.

Kailangang matukoy at matiyak kung alin ba ang akma o karapat-dapat na para sa kabutihan o kapakanan ng lahat lalo na sa mga mag-aaral o bata.