TAYO ay nasa kasalukuyang Fire Prevention Month, buwan na sinasabing pagsisimula ng mas matinding init ng klima.
Dulot ng sobrang init ng panahon ay sinasabi rin na front sa posibleng pag-ugatan ng sunog.
Enero 1 hanggang Pebrero 26 ng taon na ito ay nakapagtala na ang Bureau of Fire Protection ng kabuuang 2,742 na sunog.
Ito 23 porsiyentong mas mataas kung ihahambing sa katulad na mga buwan noong 2023 na mayroon lamang 2,224.
Ang bilang ng mga namatay ay nasa 55 na noong nakaraang taon ay 39 lamang habang 184 ang sugatan na noong 2023 ay 154 lamang.
Ang pinsala o danyos noong 2023 ay nasa P1.11 billion kumpara sa P1.23-B na naitala sa unang dalawang buwan ng kasalukuyang taon.
Mahalaga ang partisipasyon ng bawat isa sa atin para sap ag-iwas sa pagkakaroon ng sunog.