Suzara bagong FIVB executive vice president

Makaraang mahalal bilang pangulo ng Asian Volleyball Confederation (AVC)
si Ramon “Tats” Suzara kamakailan lamang habang nitong nakaraang linggo lamang ay nahirang naman bilang  executive vice president (EVP) ng world body ng sport na International Volleyball Federation o FIVB.

“It’s a great distinction and honor to be named as executive vice president of the FIVB because it will give Philippine volleyball great opportunities ahead,” ani Suzara, na magsasagawa ng gawain sa ilalim ni Fabio Azevedo ng Brazil, na nahalal na bagong pangulo ng FIVB sa 39th General Assembly and Elections nito noong nakaraang linggo sa Porto,  Portugal.

“Hindi lang ang ating mga national teams ang makikinabang, kundi ang buong Philippine volleyball,” ani Suzara. “Lubos kaming nagpapasalamat sa FIVB, dating pangulong Dr. Ary Graça, at sa bagong pangulong si Fabio Azevedo sa pagtitiwala sa akin bilang bagong FIVB executive vice president.”

Si Suzara ay magsisilbing EVP sa loob ng apat na taon dahil ginagampanan din niya ang kanyang mga responsibilidad bilang AVC head at president.