IPINATUTUPAD na ang blended learning sa ilang paaralan sa bansa batay sa anunsuyo kamakailan ng Department of Education.
Kaugnay pa rin ito sa nararanasang matinding init na labis na ikinababahala hindi lamang ng mga magulang at mag-aaral kundi pati mga guro at school personnel.
Una ng ipinabatid ng kagawaran sa lahat ng school head ang pagsususpindi ng face to face classes bunga ng mainit na klima at maaaring isagawa ang modular distance learning.
Ang tinaguriang summer vacation sa mga buwan ng Abril at Mayo ay angkop na bakasyon para sa klase ng mga estudyante.
Orihinal na school opening ay tuwing Hunyo na simula naman ng pagpasok ng tag-ulan.
Tag-ulan o tag-init ay may kaakibat na dulot na sakit na dapat suriing maiigi kung alin sa mga panahong ito nararapat nasa bakasyon ang mga mag-aaral.