Tamang kasagutan sa problema sa bigas

SA ipinalabas na Executive Order No. 39 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay maraming kababayan natin ang nalito sa una.

Inakala na dalawang presyo na lamang ang makikita sa mga tindahan o pamilihan.

Isang P41 at ang isa ay P45 sa kada kilo ng bigas.

Ang P41 ay para sa regular milled rice habang ang P45 ay sa well-milled rice.

Sa mga unang bugso o araw pa lamang ng pagpapatupad ng naturang kautusan ay iba’t ibang kaganapan na ang ating nasaksihan.

Hindi na natin kailangang isa-isahin pa dahil kayo na mismo ay naobserbahan ito.

Hindi na rin natin dapat pang talakayin ang problema tungkol sa bigas dahil batid naman po ninyo ito.

Kumbaga ay tukoy naman na ang ugat ng suliranin hinggil dito ay nararapat lamang ng tunay na solusyon.

Kung paaano ay dapat alam ito ng mga eksperto o ng mga nakapuwesto na may kinalaman sa usaping bigas o sa palay.

Kung ito ay hindi mabibigyan ng angkop na kasagutan ay para saan pa ang kasabihang ang bawat problema ay may kaakibat na solusyon.

Tamang kasagutan ang hanap ng taumbayan sa problema sa isyu ng bigas.