Tamang maayos ang paningin pero mas mahalaga ang disiplina; Pagpupugay sa mga kapatid sa hanapbuhay

LAYUNIN ng isinagawang seminar sa may 100 tsuper ng mga pampublikong behikulo ay ang pagkakaroon ng ligtas na pagmamaneho.

Nakasentro ang seminar sa kahalagahan ng paningin na dapat sa pagmamaneho ay nagtataglay ng malinaw na mga mata.

Isinabay na rin sa seminar ang libreng check-up at medical consultations gayundin ang ibang produktong mainam sa mga.

Ipinaliwanag sa seminar na kailangang sa loob ng dalawang taon ay nagpapatingin ng mga mata upang matukoy kung akma pa ang mga paningin.

Tsuper man o hindi ay tama lamang ang pagsasagawa ng regular eye check-up.

Sa pagmamaneho ay isa ang paningin na dapat ay nasa wastong kondisyon.

Bukod sa paningin ay dapat maayos din ang pandinig at maging ang pulso o ang mga kamay at paa.

Tama na maayos nga ang paningin o ang lahat subalit higit na mahalaga sa pagmamaneho ay ang disiplina.

Kawawa ang mayroong disiplina na ginagawa ang tama sa pagmamaneho pero matatapat sa walang disiplina na tsuper.

Kung tutuusin ay walang sakunang magaganap, kung mayroon man ay bahagya at maliit lamang, kung may taglay na disiplina at hindi kayabangan.

‘Ika nga sa ibang kasabihan, sa kaligtasan ng sambayanan ay disiplina sa pagmamaneho ang kailangan.

@@@

Isang malugod na pagbati at pagpupugay sa mga kapatid sa hanapbuhay na itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. para sa kani-kanilang tungkulin.

Paulino ‘Paul’ Gutierrez bilang Undersecretary o executive director ng Presidential Task Force on Media Security o PTFoMS.

Jose Torres, Jr., bilang Director-General ng Philippine Information Agency.

Ang dalawa ay itinuturing na haligi ng pamamahayag at produkto ng National Press Club.

Isa pang katas ng NPC ay si Alvin Feliciano na naitalaga naman bilang Assistant General Manager ng Department of Human Settlements and Urban Development-National Housing Authority.

Congrats po sa inyo, Mabuhay kayo!