Tao pa rin ang trato sa kanila  

ISINASAGAWA ng Bureau of Corrections ang paglilipat ng mga persons deprived of liberty sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Ang mga PDL mula sa binansagang ‘Munti’ ay inililipat sa iba’t ibang kulungan sa bansa.

Pagpapatupad ito ng pamahalaan para sa decongenstion program sa naturang piitan.

Inaasahang sa pagtatapos ng liderato ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa 2028 ay ganap na maisasakatuparan ang paglilipat ng mga PDL sa ‘Munti.

Kailangang ipakita at ipadama ng ating gobyerno na hindi pagpaparusa ang pagkakabilanggo bagkus ay para sa pagbabago.

Nakagawa ng pagkakasala at paglabag sa batas na napiit dahil sa gawad na hatol ng hukuman gayunman ay dapat tao pa rin ang trato sa kanila.