Tapyas o bawas sa budget  

TRILYONG piso ang umaaktibong pambansang budget sa susunod na taon.

Sinusulat ito ay nakatakda ang paglagda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa P6.352-T 2025 national budget.

Sa kasaluyan o ngayong taon ay P5.768-T ang pambansang budget kaya mas mataas o nasa  10.1 porsiyento kung ikukumpara para sa 2025.

Napakaraming pasanin ng ating bansa na sadya namang kinakailangang gugulan.

Lahat ay may pagkakagastahan gayunman ay nararapat na mayroong mga natatangi o ang tinatawag na dapat mga nangunguna sa talaan.

Ibig sabihin ay ang pagkakaloob ng karapat-dapat at makatawriang sapat na budget para sa mga ito.

Masusing pag-aaral kung tama ba o mali ang pagtapyas o pagdagdag ng budget sa bawat ahensiya.