Tayo mismo ang magwasak ng political dynasty    

ILAN buwan na lamang at maghahain na ng aplikasyon ng kandidatura ang mga tatakbo para sa posisyong lokal at nasyunal sa eleksiyon sa susunod na taon.

Matagal pa subalit sa bilis ng pagtakbo ng panahon o oras ay mamamalayan na lamang natin na halalan na pala.

Nabanggit natin ang eleksiyon dahil tulad ng kasalukuyang klima ay sobrang init din ng usapin tungkol sa political dynasty.

Pinagdidiskusyunan ang isyu hinggil sa daynastiya sa pulitika.

Marahil ay maaaring mawakasan ito sa pamamagitan na rin nating mga botante.

Huwag iboto ang magkakamag-anak na kandidato kahit pa magkakaiba ng posisyon o lugar na inaasam.

Suriing mabuti ang bawat kandidato na sa palagay o tingin natin ay karapat-dapat kumpara sa kilala lamang dahil kaanak ng pulitiko.

Halimbawa na si Juan dela Cruz ay nakaposisyon na subalit tatakbo ang angkan nito ay pag-isipan nating maigi kung iboboto pa rin ba ang miyembro ng kanyang pamilya na kandidato.

Pero kung ilalagay natin sa ating isipan na isang Juan dela Cruz lamang ang dapat at hindi na magdadagdag ng kalahi o angkan nito ay tayo mismo ang makakasupil ng political dynasty.

Pwede na natin itong simulan sa susunod na halalan para mawakasan na ang political dynasty dahil mistulang walang katapusan at kahihinatnan ang isyung ito na pinag-uusapan at pinagtatalunan.

Ang tanong ay makakaya ba natin?

Speaking of election, ngayong Mayo 5 ang halalan namin sa National Press Club.

Gudlak sa lahat ng kandidato!