‘Test drive kuno’

 

DAPAT kapag nagbebenta ng ano mang uri ng segunda-manong behikulo ay kaakibat ang pagiging alisto.

Ingat-ingat kung ibebenta na ang 2nd hand na sasakyan, motorcycle o kahit pa bisikleta  dahil baka matapat sa modus na ‘test drive kuno.’

Natural lang naman sa mga bibili ang test drive upang masubok kung okey o maayos pa ang binebentang segunda-manong behikulo.

Siyempre ang bibili ay napakaraming katanungan at kalimitan nga sila ay may kasamang mekaniko para matingnan ang sasakyan o motorsiklo na binebenta.

Kapag dumating na sa puntong ang bibili ay magsasabi na ng test drive ay dapat na ang nagbebenta ay alerto o mapag-isip.

Solo lang ang bibili o walang ibang kasama pagkatapos ay hahayaan mo sa test drive lalo at hindi ganap na kilala o nakatransaksiyon lang sa social media.

Ingat lang po sa pagbebenta ng 2nd hand at baka madale ng ganitong modus.

Sa Cavite nga ay halos dalawang magkasunod na ganitong insidente ang nangyari.