The Best Quezon City Police Station of the Year 2022

PAGPUPUGAY sa mga opisyal ng Quezon City Police District (QCPD) sa pangunguna ng kanilang District Director, PBGEN REDRICO “Red” MARANAN. Tatlong linggo pa lamang sa kanyang pwesto bilang “DD QCPD” si sir MARANAN pero kitang kita ang pagiging aktibo nito bilang pinuno ng QCPD katulad nuong siya ay Chief of Pulis ng Imus CPS sa lalawigan ng Cavite.

 

At katulad din niya ang mga station commanders ng labing anim na himpilan ng QCPD sa ibat ibang bahagi ng Lungsod Quezon follow the leader ika nga… hindi din naman kasi iba si sir MARANAN sa QCPD dahil minsan na rin siyang na-assign dito bilang Deputy District Director for Adminstration (DDDA), QCPD kung saan ay itinanghal din siya bilang “Best Senior PCO for Administration in QCPD” at Best Senior PCO for Administration of NCRPO” bago siya nalipat sa National Headquarters, Philippine National Police (PNP) kung saan siya ay naglingkod bilang chief, Public Information Office ni GEN RODOLFO AZURIN, Jr, bilang PIO na nakuha ni sir MARANAN ang kanyang first star rank nuong ipinagdiriwang ang Police Service Anniversary 2022. Kabilang sa PNP Academy Class of 1995.

 

Ang tila sumusunod sa yapak ni sir MARANAN ay si PLTCOL JERRY O CASTILLO, Station Commander, Novaliches Police Station 4 ng QCPD. Katulad namin ni sir MARANAN, matikas, matulungin, mabait, ma-prinsipyong tao, maka-Diyos at maka-bayan itong si PLTCOL CASTILLO sabi ko nga sa aking personal na obserbasyon dedicated sa kanyang sinumpaang tungkulin si Lakan JERRY CASTILLO na kabilang sa “Bagsay – Lahi Class of 2006” ng PNPA.

 

Bilang chief of police ng Novaliches Police Station 4 ng QCPD ay naitaguyod ni PLTCOL JERRY O CASTILLO ang nasabing himpilan ng pulisya kung saan apatnapu’t dalawa sa mga pulis nito ang nagpapatrulya gamit ang limang QCPD patrol cars nan aka-assign sa Novaliches Police Station; dalawampu’t pito ang nasa Tactical Motorcycle Riders Unit (TMRU) at dalawampu’t pito naman ang mga beat patrollers na araw araw, umaga, hapon at gabi ay nakahandang ihandog ang sariling buhay sa tawag ng tungkulin. Kaya naman hindi na nakapagtataka kung bakit ang Novaliches Police Station 4 ng QCPD ang tinanghal na “The Best Quezon City Police Station of the Year 2022”.

 

At dahil sa maganda at maayos na pamumuno ni PLTCOL JERRY O CASTILLO ay itinanghal naman siya bilang “Best Junior Police Commissioned Officer for Administration of the Year” habang nakatanggap din ng dalawang Special Unit Awards ang Novaliches Police Stations na “Best on Anti-Illegal Gambling Operations (Police Station Level)” at “Best on Anti-Illegal Drugs Operations (Police Station Level)” na iginawad nitong nakalipas na pagdiriwang ng 122nd Police Service Anniversary.

 

Nito lamang nakalipas na linggo ay naaresto ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ni PLTCOL JERRY O CASTILLO ang tatlong umano’y drug personalities at nasamsam buhat sa mga suspek ang humigit kumulang na siyam na kilos ng hinihinalang Marijuana leaves na mayroong Dangerous Drugs Board value of Php1,080,000.00.

 

Muli ang ating pagpupugay at pagsaludo kila DD QCPD, PBGEN REDRICO “Red” MARANAN; kila PLTCOL CRISTINE M TABDI; PMAJ JENNIFER GANNABAN, PIO, QCPD: PMAJ MA. SENALICE B NATO, Secretary to the Chief District Directorial Staff / Admin Officer, Office of the Deputy District Director for Operations, QCPD; PMAJ MARISSA S ARELLANO, Admin Officer ng Office of the Deputy District Director for Administration, QCPD at kay PLTCOL JERRY O CASTILLO, Station Commander, Novaliches Police Station 4, QCPD.