Total ban nga ba?

ANG pagpatupad ng total ban sa mga paputok ang sinasabing solusyon ng pag-iwas sa disgrasya tuwing sasapit o sasalubong sa panibagong taon.

Matinding dagok naman ito para sa mga bumubuo ng Philippine Fireworks Association.

Hindi umanong akmang solusyon ang total ban sa mga fireworks bagkus ay ang paghihigpit sa regulasyon ang nararapat.

Isa sa mga inihahalimbawa ay nangyaring pagsabog ng cargo truck na may mga kargang paputok.

Katwiran ng naturang asosasyon na nangyari ito bunga ng kapabayaan.

Ang pagkakabalot ng mga paputok ay wala sa ayos bukod pa na ito ay hindi dumaan sa maselang monitoring ng DTI Bureau of Product Standards at wala pang PS mark.

Sa tuwing ipinagdiriwang ang Bagong Taon ay likas na sa nakararami nating kababayan ang gumagamit ng mga paputok, na napapanahon na nga ba ang total ban o higpitan lamang ang regulasyon nito.