UMAABOT na sa mahigit anim na libong persons deprived of liberty ang napalaya na ng Bureau of Corrections.
Sa huling tala ng ahensiya ay nasa 6,110 na ang napapalaya simula nitong Enero ng taong kasalukuyan.
Kamakailan ay nasa 240 PDLs na nagmula sa iba’t ibang piitan sa bansa ang binigyan ng kalayaan ng BuCor.
Nananatili ang nasabing ahensiya sa pagtukoy ng mga kwalipikadong PDLs para sa pagpapalaya sa kanila.
Sa pagkakalaya ay nakakatanaw sila para sa bagong pag-asa at umaasa rin sa bagong yugto ng buhay.
Mangyayari naman na maaabot ang bagong pag-asa at buhay kung sila ay hindi itatakwil ng lipunan.
Huwag na ang posisyon o katungkulan bagkus ay trabaho para sa inaasam na pagbabago.