Trabahong may kalidad

NASA 4.8 porsiyento ang unemployment rate nitong nakaraang Hulyo na sinasabing higit na mababa sa 5.2 percent na naitala noong July 2022.

Batay ito sa ipinalabas na July 2023 Labor Force Survey kaya naman nakatutok ang National Economic and Development Authority sa pagsasakatuparan ng mga trabaho sa bansa na itinuturing na mayroong kalidad.

Target ng ahensiya na paghusayan pa ang iba’t ibang sektor para makapagpaloob ng dagdag na hanapbuhay.

Ang sektor sa pagnenegosyo ang isa sa tinitingnan na ang layunin ay para sa paghihikayat ng nakararaming mamumuhunan.

Kapag dagsa ang mga investor ay mas mataas ang pagkakataon para sa iba’t ibang posisyon o bakanteng trabaho.

Nakatutok din sa mga programang lalo pang huhubog sa kahusayan ng bawat obrero.