NGAYONG holiday season ay asahan na ang kaliwa’t kanang kasiyahan.
Christmas party, family reunion at iba pang kaganapan ngayong kapaskuhan.
Sa pagtitipon at kasiyahan ay kasama ang mga handang pagkain na lubhang katakam-takam dahil sa masasarap na putahe.
Pero dapat ay huwag kalimutan ang paalala ng Department of Health sa pag-iwas sa sobrang pagkain.
Kumbaga ay hinay lamang sa pagkain lalo na sa mga nagtataglay ng mataas na sugar content gayundin sa mga mamantika at matataba.
Natural lamang ang kasiyahan at pagsasalu-salo sa pagkain subalit bigyang pansin din ang kalusugan.
Paalala rin ng kagawaran hindi lamang para sa kalusugan bagkus ay ganoon din ang kaligtasan partikular sa mga nagmamaneho na iwasan o kontrol sa pag-inom ng alak.