NATUNTON ng mga awtoridad pagkaraan ng mahigit isang dekada ang wanted na may kasong murder sa Liliw, Laguna kamakailan.
Ang suspek na residente ng Liliw, Laguna ay natunton kaugnay ng manhunt na isinagawa ng pulisya.
Kaagad na kumilos ang mga tauhan ng Liliw Municipal Police at nasakote ang suspek sa Barangay Ilayang Palina dakong alas-6:20 ng gabi.
Lumilitaw na nasa 13 years na nagtago sa batas ang suspek dahil ang pagkakaaresto sa kanya ay batay sa warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court Branch 91 ng 4th Judicial Region sa Sta. Cruz, Laguna noon pang July 15, 2011 na may lagda ni Presiding Judge Divinagracia Bustos-Ongkeko, kaugnay ng kasong murder na walang piyansa.
Nasa kustodiya ng Liliw Municipal Police ang suspek na itinuturing na most wanted individual sa rehiyon ng CALABARZON. RUBEN LACSA