Watak-watak

ANG dating pangulo at kasalukuyang presidente ng ating bansa ay nagkakaroon ng bangayan.

Kapwa may patutsada sa isa’t isa sina dating Pangulong Rodrigo Duterte at ang kasalukuyang si President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr.

Kung tutuusin ay hindi naman dapat nangyayari dahil malinaw pa sa sikat ng araw na ito ay maling-mali.

Napakalaki ng epekto nito na maaaring magresulta ng pagkakawatak ng bansa na dapat bukod sa buo ay matibay.

Kasama sa mawawasak ay ang taumbayan lalo kung pati ang ating hukbong sandatahan.

Bakit hindi magtapat sa wastong paghaharap na ang sentro ng pagtalakay ay para sa kapakanan ng mamamayan at ng ating bansa?