Dinala ni Governor Athena Tolentino ang Women’s Welfare Program sa Lungsod ng Gen. Trias, kung saan 2,000 kababaihan ang nakatanggap ng Php 2,000 cash assistance.
Patuloy na pinapatunayan ng programang ito ang dedikasyon ng Gobernadora sa pagtaguyod ng komunidad at pag-aangat ng kababaihang Caviteño.
Kasama sa programa ang Team GreTri local officials, sa pangunguna nina Mayor JonJon Ferrer, Vice Mayor Jonas Labugen, at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod.
Nakiisa rin sina Vice Governor Shernan Jaro, 6th District Board Members Morit Sison at Kervy Salazar, at ang Pangulo ng Provincial Council for Women na si Mrs. Anne Ferrer.
Sa loob lamang ng anim na araw mula nang ilunsad ang programa noong Nobyembre 15, umabot na sa 20,000 kababaihan sa Cavite ang natulungan nito—isang patunay ng layunin ng Pamahalaang Panlalawigan na palawakin ang papel ng kababaihan at patuloy silang bigyang-lakas para sa mas maliwanag na kinabukasan.